KLINIKA BOBONYO is a not a place to treat sickly people but a sick nation. It is a place where dreamers meet and talk about practical ways to face life and deal with people’s frustration to their government and society. We don’t prescribe medicines here: branded, generic, and even herbal medications. There is only one medicine that we prescribe, a cure all medicine–HUMOR.
Dito sa aking Klinika walang pasyente, tayong lahat ay doktor at ang ginagamot natin ay ang sakit ng bayan. Lahat kayo ay residenteng manggagamot, may mahalagang papel na ginagampanan. Bawat salita, bawat kaisipan, bawat layunin, at bawat damdamin ay inaalay nating lahat para sa inang bayan.
Sa klinikang ito ay malaya ninyong nabubuo ang inyong mga kaisipan at pangarap, nailalantad ang mga sikil ninyong damdamin, at naihahanap lunas ang mga suliraning inyong pinaglalabanan.
Libre ang pagkain dito, libre ang inumin, libre pati pulutan. Sagot lahat ng Word Bank, IMF mula sa pawis at pagluha ng inaaping bayan. Welcome kayong lahat dito at kahit na magbabad pa kayo walang makikialam dahil ang bahay ni Doc.bobonyo ay bahay din ninyo.
salamat sa pagdalaw sa aking barung-barong. pramis, ia-add kita sa blogroll ko. busy lang ako’t burol kasi ng tatay ko. God bless!
thanks brotherutoy
Magandang hapon po doc ako po baguhan dito sa blog ninyo.Aksidinte ko lang mabasa ang site na ito at naaantig ako sa storya ng buhay niyo.At ako po nangailangan ng tulong niyo may problima po kasi ako.Mag isa lang akong nag aalaga ng aking anak pagod at puyat po ako parati at ngayon po may nararamdaman akong sakit sa katawan parati sumasakit dibdib ko pakiramdam ko mawalan ako ng malay dahil sa subrang kaba,payat lang po ako 110/90 ang bp ko at 27 years old na po ako doc sana po matulungan niyo po ako kong anong dapat kong gawin maraming salamat po