Pahinga muna tayo sa pulitika, isingit lang natin itong isyu ng silent killer na dapat pangilagan nating lahat. Hindi lang ang katawan ng tao ang pinapatay nito kundi pati ang kanyang kaluluwa.
Mula sa Bibliya ay nasusulat, “You shall not commit adultery,” (Exodus 20:14). Maliwanag pa sa sikat ng araw na bawal sa kautusan ng Diyos ang makisiping sa hindi mo asawa. Bagamat ito’y itinuturo ng simbahang Katoliko at Protestante, hindi naman ganap na nasusunod ng iba dahil mas matindi ang tawag ng laman kay sa tawag ng kabanalan sa kanila.
Bagamat ayaw nating bigyan kaugnayan ito sa paglabag ng ika-pitong utos ng Diyos, ang katotohanan ay tumataas ngayon ang kaso ng AIDS sa Pilipinas. Sabagay kumpara naman sa mga karatig bansa natin, mas mababa pa rin ang incidence of HIV dito sa atin. Pero nababahala naman ang mga health officials natin na baka maraming magsulputan diyan na kaso ng AIDS. Sabi nga ni Mario Villaverde, DOH undersecretary na ang sitwasyon ngayon ng mga kaso ng HIV sa Pilipinas ay “hidden and growing.” Ayon sa undersecretary ng DOH maasahan ang paglantad ng mas marami pang biktima ng AIDS dahil sa ganitong paraan lang nila makakamtan ang murang pagpapagamot.
“In the past two years, anti-retroviral drugs have become available for free, meaning some HIV positive people previously unknown to the authorities are now being reported,” dugtong pa ng undersecretary ng DOH.
Ayon naman sa United Nations may humigit kumulang na 7,000 na bilang ng mga Pilipinong may sakit na HIV/AIDS na naitala noong taong 2007. Ayon naman sa DOH
mayroon na silang naitalang 3,360 na pasyente ng AIDS/HIV hanggang Hulyo ng taong ito ngunit may panibago namang 300 na kaso pa ang naitala naman sa taong ito ayon sa balita ng Reuters.
Pero hindi tayo dapat magwalang bahala nito kahit masasabing masyadong mababa ang porsiento ng mga nagkakasakit ng HIV/AIDS na Pilipino (0.1 percent of the population and less than 5.0 percent of people in high-risk groups had been infected). Kahit sino man sa atin ay maaring magkaroon ng HIV/AIDS kung hahayaan natin ang ating mga sarili na ma-expose dito. Bagamat hindi ko iminumungkahi na makipagtalik kayo kahit kanino lang diyan dahil labag nga ito sa kautusan ng Diyos, nakakabuting sundan ang panuntunan ng tinatawag nilang “safe sex.” Ito iyong paggamit ng condoms para doon sa mga hindi na makapagpigil pa. Pero bilang mga Kristiano, kung hindi mo ng lang asawa huwag kang makipagtalik, para sa akin ito ang safe sex. Safe ka na sa HIV/AIDS safe ka pa kay Lord.
Mabalik tayo sa mababang incidence ng AIDS sa Pilipinas, ito ang mga sinasabi nilang dahilan: low partner exchange, kahit daw iyong mga gumagamit ng mga prostitute ay hindi madalas magpalit ng kanilang suki/partner (may loyalty din pala kahit sa ganitong uri ng relasyon), at circumcision (kaya magpatule na kayo).
Para sa aking lang mga kapatid, sa hirap ng buhay ngayon dapat magkasya na lang kayo sa inyong mga asawa. Kaya magpaganda ka naman misis, maligo parate, at maglambing ng husto kay mister. Word of caution lang, ligtas ka nga sa AIDS hindi ka rin ligtas sa pagbubuntis ni misis, magastos pa rin iyon. Kung nais ninyong malimitahan ang dami ng inyong mga anak, magpakunsulta lamang sa pinakamalapit na Klinika ng Family Planning o lumapit sa alin mang tanggapan ng Department of Health for referral services.
Ang sex ang isa sa pinakamagandang regalo sa atin ng Diyos kaya huwag nati itong sirain at gamitin sa pagkakasala. Happy safe sex na lang sa inyong lahat na may asawa. Sa mga dalaga at binata, abstinence, abstinence. Kasal muna bago siping. Sa akin naman, kung gusto lang ninyo…
hehhee… disiplina lng dapat doc…
Doon sa pinapasukan ko noon, marami ang may AIDS. Acquired Intelligence Deficiency Suyndrome. Pag nabuking na engot ka, may naglalagay ng condom sa ibabaw ng mesa mo ng di mo alam. Kaya lang hindi rin ma-gets ng nilagyan. Engot nga e.
Doc, maganda itong blog mo, more power!
Bakeries will opt to produce the bread from a cheaper lower-protein flour to lower the price of pandesal,these are just a funny stories that hit the news in our country.If you get tired of reading all the sad news about the Sabio brothers calling each other regarding the tug of war case between Meralco and GSIS,the moro-moro conflict drama in Mindanao, the belt tightening of laborers, jobless and punyakules,the ballooning debts in our country and the president’s migrane in attempt to secure new loan to pay the interest on the capital. Beware about the Chinese ZTE.These are the items are decidedly Filipinos will panic.Some of the items will make you smile,Luli the first gentleman’s girl will be getting married.
The most fascinating stories that called my attention is none of these news that’s happening.The gorgeous girls posing in the internet looking for a date and probably marriage caught my attention.Take this ads for example “Rich,educated and sexy Filipina looking for Americans husband”–Rich by what standard? Belong to the Ayala and Zobel clan or a daugther of corrupt politicians? Here’s another one “Rich American seek filipina wives”This American pobably a Moslem because he is looking for more than one. A rich American flipping meat fatties at Burger King earning twenty thousand dollars a years including overtime is phenomenally rich considering the exchange rate of forty five pesos, comparing to a Filipino making minimum wage a day that can relate to one thing a bowl of instant noodles on the table.
I wonder,if this pedophile rich American flipping burger place an ad at wowowee,how many colleges graduates unable to find work will appears at the gate of Kapamilya TV Station for the interview and the videotaping by Cory Vidanes and Pokwang. It is naive to expect that the prospective wives will consult Dra.Belo or Dr.Calayan for botox and skin bleaching.Or how does a shy Filipina who earned 30 units of English along Recto Avenue with a packet of pictures in a gown ang toga will overcome the embarrassment of answering questions that test her intelligence as a college graduate and then mimicking with RR.They might be speaking the same slang English like Gloria Arroyo that only her Palakpak Boys can understand.
it makes me laugh about these ads,If he want as a beautiful,sexy and intelligent Filipina, Why he could not find a nurse TNT in America ? There is something wrong with this caucasian man. Of course maybe, he want to be lucky to find a forty years old virgin Filipina conservative from the barrio who become fearful of the communist who come down from the mountains at harvest time and took 3 sacks of rice every ten gathered,leaving the remaining seven to be divided between the farmer and the landowner.Call it tithing,securing protection or paying revolutionary tax.The virgin wanted to leave before she’ll be rape and she sold some patola harvest in the market for a bus fare to WowoWee with a positive thinking that if they pass the interview: comes next is the green card.
doc.Ano ba ang URL mo? Mali yata iyung nailagay ko dahil hindi ako nakakaderetso dito sa klinika mo.
Salamat kaibigan na TonGuE sa pagparito mo, at salamat din sa iyong comment. Pasylang kayo dito at welcome kayo anytime.
Maganda itong topic ni Doc B para medyo maiba naman sa nakakasulasok na MOA-AD. Ito naman ay sa AIDS.
Bagaman at ang Pilipinas ay hindi pa umaalagwa sa bilang ng may AIDS, kailangan din talaga ang continuous education to thwart is prevalence. Katulad nang napa-report noon, ang pagkakaroon ng AIDS ng mga Pinoy are attributed to those who are engaged in risky sex behavior while working overseas. Ayon sa Department of Health, karaniwang kaso ng AIDS ay sa hanay ng mga sailors na nakuha nila sa pakikipag talik sa mga prosti sa lugar na nakadaong ang kanilang barko..
Doc.B,
Tutoo bang nakakagamot ang virgin coconut oil sa AIDS? Kasi may mga nageekperimento na dito, ipinapahid muna sa kanilang ari bago makipagtalik sa hindi kilalalang partner. At saka what is the truth na nakakapatay ito ng viruses?
Siyanga pala doc.B, nagpapahinga ngayon si Ely Buendia, my favorite band vocalist sa aming parlor at kumakanta ng penpenpen de sarapin, hehehehehe.