I have just come from Cocoy’s Delight’s blog, a certain Renato Pacifico commented that Filipinos are incapable of change in their own country, they need to go abroad to learn and to become disciplined and law-abiding citizens. I feel so uncomfortable with his reaction. The truth is that we are capable of change, of becoming a mature and disciplined person even if we don’t leave our own country. Granting we go abroad, it does not necessarily mean we will totally improve our ways, become self-disciplined and act as a mature individual. The place to me is immaterial, what matter most is the self. Our willingness to change, to discard our old ways and lead a new life.
I know brother Pacifico has a point too knowing how helpless we are now to discipline millions of Filipinos without resorting to the use of force. I know in my heart that we are capable of changing our lives for the better, it is not yet too late nor a helpless case to do. Yes, the Filipinos can. I am very confident to say, yes the Filipinos can because I know there is nothing impossible with God. If we allow God to transform us then we can be a new person who serves Him to His glory.
Do Filipinos need to go abroad to change their lives?
My answer is both yes and no. Yes because there are some families who became economically sufficient because a family member went abroad to work. No on the other hand because those millions of dollar remittances have not actually transformed most of the OFWs families to become better in terms of attitude and discipline. Pride and arrogance engulfed many of them.
Kailangan bang mag-abroad para gumanda ang ating buhay?
Ang aking tanong naman, kung nasa Pilipinas lang ba tayo ay hindi na uunlad ang ating buhay. Alam kung maraming Pilipino ang hindi lumabas sa kanilang bansa ngunit sa sariling sikap lumago ang kanilang kabuhayan. Isa na dito si senador Manny Villar. Dating naglalako lang ng isda ngunit bilyonaryo na siya ngayon. Alisin na natin si Manny Villar sa listahan, pero libo-libong mga Pilipino ang nangpamalas ng kanilang kakayahang umunlad sa sariling bansa. Batid ko rin na marami sa ating mga kaanak ang napunta na sa abroad, ngunit pagbalik sa Pilipinas wala pa ring nagbago sa uri ng kanilang kabuhayan. Don’t get me wrong, alam ko na napakaraming Filipino rin ang umunlad ang kanilang kabuhayan dahil sa pangingibang bansa.
Nang nagbabalak pumunta ng Chicago ang aking maybahay na nurse, lahat nang mga anak namin ay nasa kanyang likuran sa planong iyan. Pati si biyenan ay kulang na lang na ipagtulakan niya ang kanyang anak. Masakit man sa akin kalooban, hinadlangan ko siya sa kanyang balakin na naging isyu naman sa aming pagsasama bilang mag-asawa. Sumama din ang loob sa akin ni biyenan. Nagduda na rin sa aking kakayahang bilang manggagamot at padre de pamilya ang aking mga anak. But I stood firm with my decision.
Alam ko hanggang ngayon ay kakarag-karag pa rin ang aming kotse, ngunit wala kaming pagkakautang, kung ano ang kinita ay siya naming ginagasta. Naliwanagan din later ang aking mahal na kabiyak sa naging paninindigan ko. Ang kanyang kumareng si Asenso Woman ay natuloy nga sa Chicago. Kumita siya ng malaki at yumaman sila. Kaalinsabay naman iyang ang pagbabago ng kanyan asawa at mga anak. Yumabang sila dahil sunod sa luho, ganon din ang kanyang mister na nagastang mayaman din at may nabuntisan pa sa kanyang pambabae. Naging addict and isa sa kanyang anak, at ang panganay niyang babae ay hindi nakatapos sa pagaaral, nabuntis sa pagkadalaga.
Nais ko lang idiin dito na puwedi naman tayong umunlad kung magsikap lang tayo dito sa ating bansa at hindi masyadong maluho sa pamumuhay. Hindi ko po inaalis sa inyo ang karapatan na magpunta sa ibang bansa dahil tutoo naman pong maraming oportunidad doon para tayo yumaman. Ang akin lang ay kailangan pa rin nating kilalalanin ang ating mga sarili, maging bukas ang ating mga puso sa pagbabago ng ating social at spiritual life. Dito natin kailangan si Lord na magpapatibay sa ating buhay at pananampalataya.
Learn to love others as you love God. Magandang start ito para sa ating pagbabago nang makamtan ang mgasagana at mapayapang buhay sa pangunguna ni Kristo.



Doc.bobonyo,
Ako na ang bwena mano dito,tamang-tama na nandoon ka sa Cocoy’s Delight at sinundan kita kaagad dito.
Nasabi mo ang pag-aabroad.Para sa akin,saka lang nakatikim ng kaunti ginhawa ng nakaalis kami sa Pilipinas at napadpad dito sa kinaroroonan namin ngayon.Sa Pilipinas lagi kaming baon sa utang at kumakapit sa 5/6 para lang makaraos,lumiliit ang solar namin na pinagtayuan ng bahay dahil kapag nag-asawa ang anak ko ay doon na rin sila nagtatayo ng kubo.Nasabi walang asenso talaga dahil ang kinikita sa arawan ay di pa sapat pambili ng pagkain.Papano na ang ibang pangangailangan.
May katwiran di si renato sa mga panuto niya.Kaya wala akong gaanong masabi.Sa inglish, he nailed the nail in the head.Tama ba.
Nang ako’y nag-abroad at napadpad sa mayamang bansa ng Amerika, ang tanong sa akin ng aking pamilya nang ako’y umuwi ay bakit ka pa umuwi? Nanghihinayang sila na oportunidad ko na sanang mamalagi sa Amerika ngunit hindi umuwi pa rin ako. Nagbalik uli ako, kaya nang ako’y umuwi akala ko hindi na ito tatanungin pa, pero hindi, tanong uli nila bakit ka pa umuwi ang ganda-ganda ng Amerika.
In short gusto nila akong maging TNT at umaasa na magkakaroon ng amnesty at magka-green card ako kagaya ng tito ni Banong Sikretario. Hindi nila maintindihan na kaya ako umuwi dahil isa akong turista at hindi napadpad doon para magtrabaho. Ayaw nilang tanggapin ang aking paliwanag na kalabisan para sa katulad kung pinagkalooban ng 10 years multiple entry visa ang lokohin ang pamahalaan ng America.
Ako’y natutuwa sa comment ni doc. bobonyo na ang pagbabago ay nanggagaling sa puso hindi sa mga nagdidikta nito. Noong nas Amerika ako, naging law abiding alien ako dahil ayaw kung magkaroon ng masamang record doon. May mga nagaalok ng under the table na trabaho pero kabado ako. Ngunit may mga napansin din ako, maraming mga Pilipino ang gumagawa din ng katarantaduhan sa America. Kung minsan sila pa nga ang nangunguna. One classic example, may nagpaputok pa ng baril na Filipino sa New year’s eve celebration. Naniniwala ako na wala sa pagkakaiba ng lugar ang pagbabago, wala sa pangingibang-bansa ang pagbabago ng buhay at attitude ng isang tao para siya maging mabait, disiplinado, at kapakipakinabang sa lipunan.
Ako ay natutuwa din kay Kumander Pipi dahil marami siyang karanasan sa buhay at naibabahagi sa ating talakayan. Ako’y natutuwa at marami palang Ilocano sa atin, ako po kasi ay kalahating Ilokana at kalahating tagala. Pero nakapagsasalita po ako ng Ilokano dahil tinuruan kami ng aking mom na magsalita nito.
Tutoo po kumander pipi na karamihan sa mga umunlad sa atin ay nanggaling sa abroad. Kami din po, ang aming kabuhayan ay galing din sa katas ng OFW kung nanay noon. Nang napunta rin kami sa tate ay may mga kamag-anak kaming nakita doon na dati ay hirap na hirap sa buhay ngunit nang makapag-abroad sila ay biglang yaman talaga dahil sa sipag at tiyaga. Tutoo po iyon na pabago-bago ang kanilang mga kotse at naglalakihan ang bahay nila. Masipag po kasi ang mga Ilokano, di po ba.
Pero alam ko din ang ipinuponto dito ni doc.B. Sa ating bayan muna nating isagawa ang pagbabago at pagpapalago ng ating kabuhayan kung may pagkakataon at oportunidad. Sa Ilokano may kasabihan tayo, umagawa ka tapno agnam-ay ka. Magtiyaga ka lang at umunlad.
Tama ang pagbabago ay nanggagaling sa puso, sa pamamagitan ng pagpapala ng Diyos.
Salamat Kumander pipi, Kap, at Colegiala ang pagparito ninyo at magbigay ng inyong mga komento. Nabanggit ni Colegiala ang tungkol sa mga Ilocano, Ilocanong presidente kasi ang nagdiklara noong araw ng Martial Law. Ako din ay Ilokanong Cordillera na lumaki ng Maynila. Kaya hindi nagkakalayo ang ating karanasan at background. Kumakain ba kayo ng bagoong at kamatis. Ito lagi ang aking ulam at kasama pa doon ang saluyot at atcharang rabong, hahaha. Masarap din akong kumain kung ang ulam ko ay dinengdeng, salad na kamote, at saka pinakbet.
Sa tutoo lang ako’y naniniwala sa lahat ng sinabi ninyo tungkol sa pangingibang bansa upang umunlad. Naniniwala ako diyan ng one hundreed percent. Pero naniniwala din ako na kung may tiyaga at kakayahan ka ring paunlarin ang buhay mo sa Pilipinas ay uunlad ka rin ng higit pa kahit hindi nag-aabroad.
Pero ano mang plano o balakin na nasa ating isip, tanging ang ating Panginoong Diyos lamang ang siyang nakapagpapasya. LOL.
Doc.
Salamat at pareho tayong kiyaw ng bituka ang kaibahan lang natin lamang ka ng limang santong kabig sa akin.Naging altar boy din ako.Hehehehe!
Palagay ko kay Renato ay may punto siya at nakikita niya ang sa pula at sa itim.Nagagalit ang mga hindi nakakaintindi sa kanya at inaakalang siya si Paquito Diaz o kaya’y si Max Alvarado na laging kontra bida ni FPJ.
Hindi kasi maialis ang ugaling Pilipino na “Yabang” at “Ingit”.Kapag naalis iyan ay magkakasundo ang lahat at magtutulungan.
Alam mo doc.bobonyo,naniniwala ako na kapag malakas ang kabig mo sa itaas ay mahaba ang buhay mo.Biruin mo,sa pagtitipid ko ng gasolina ginamit ko ang Toyota na 2004- 67,000 miles,nag dadrive ako sa freeway nasa fast lane pa naman ako,biglang namatay ang makina mabuti na lang at hindi gaanong maraming sasakyan at may triple A ako ipina tow ko sa shop at sinisingil ako ng almost one thousand para palitan ang fuel pump na nasa loob ng tangke ng gasolina,ginamit ko ang “bargaining tactics” ang naka discount ako ng three hundred.Kamuntik akong nabanga ng sumusunod sa akin.
Mabisa itong mga rosario na lagi kong isinasabit sa rear view mirror ng aking mga sasakyan na nabindisyunan sa Manaoag, at may reserba pa akong anting-anting na nabili ko sa harapan ng simbahan ng Quiapo matagal na.Hehehehe!
Praise the Lord sa pagpapala ni Lord at iniligtas ka niya sa kapahamakan. May plano pa ang Panginoon sa iyo, at inilalaan marahil sa isang misyong lalo kang makakatulong sa mga maralita nating kababayan. Godbless.
doc.bobonyo.Ayan inamin na ni Cocoy na mas marami ka raw na kabig na santo kesa sa kanya.
Santisima naman ang nag-iisang santa ni renato,
Doc.B may bagong reality show ako ngayon, si idol Kimuchi ang host. Kasali dito si Kap at si Secondlady, Survivor ng Kusina, hehehe.
Sa tutoo lang ako’y nababahala sa epekto ng mga televsion reality shows sa moral perspectives ng mga kabataan.
Survivor Kusina? Bakit hindi ninyo imbitahin din na sumali si manong Greg at Kumander pipi. Magagaling magluto ang mga iyan, haha.
Survivor ng Kusina.Girl,Gusto ko iyan.HIHIHIHIHIH>
Kimuchi,
Ako taga-kain na lang kung maari. Pero kung gusto ninyong magluto ako ng lutong Ilocano kagaya ng pinugpugan, dinengdeng, pinapaitan, sinanglaw, kappukan, kilawen a kalding, bagnet, pakbet, and warek-warek a baboy naku ewan ko lang kung maalala pa ninyo ang inyong mga biyenena, hahaha.
Doc. si mang Greg ay magaling magluto iyan para sa mga finger food.
Masarap din iyong penekpekan ninyo sa Cordillera, nakatikim na kami ni Banong iyan noong nagpunta kami sa Baguio. Iyong rice wine, ay apo nagimasen, napakasarap.
To all my brothers and sisters in Christ, a pleasant day.
Magandang pagbati sa lahat ng mga kaibang at kapatid na pumasok sa aking Klinika para makipagkumostahan. Nawa ay sumainyo ang pag-ibig at pagpapala ng Diyos.
Kimuchi,
Ang survivor ng kusina sa aking pagkaka-alam ay iyong laging nahuhuli sa hapag kainan. Dito hindi mo matatalo si biyenan, hehehe.
Biro lang po itay. Huwag po kayong magagalit, I love you, hehehe.
Kap,
Iyong pinugpugan na dalag ay apo nagimasen. Kung may bagoong ka na galing ng Lingayen at saka kamatis na native, kapag pinaghalo mo para gawing saw-sawan lalo na at may lasona o onion, (KBL-Kamatis, Bagoong, at Lasona/onion), ang sarap kumain kahit malamig na ang iyong kanin.
Kap di ba may kasabihan kayo sa La Union, in Onion there is strength. Sister Kimuchi anong sey mo?
CD’s topic on clowns in the government is timely. I am praying hard that it will not come to a point when our public servants are called “clowns in the public service.”
Hi to all the OFW’s who visit this blog, I’d like to invite you to join the new social network of the Overseas Filipino Workers at http://www.ofwfriends.com.
See you there!
Why is it Filipinos once they go abroad they become law-abiding incorruptible citizen?
Bla, bla, bla!