Habang nagpapatayan ang ating kapuwa Pilipino sa Mindanao, habang isinasagawa ang karumad-dumal na pagpatay ng mga rebeldeng MIlF sa ating mga kababayan sa Lanao del Norte, sumagi sa aking isipan–kailangan bang mangyari ito sa ating bayan? Naala-ala ko tuloy ang aking idol noon na si Ninoy. Namatay ba ang dakilang Senador para magpatayan naman ngayon ang mga Pilipino? May saysay pa ba ang kabayanihan ngayon ni Ninoy sa mga naglipanang isyu ng katiwalian ng pamahalaan at ang patuloy na pagsasawalang kibo ng mga nakakaraming Pilipino.
Dahil bakasyon nga kahapon ng Lunes ay lumabas kami ni Magdiwang ang aking binatilyo at nagpunta kami ng Mall sakay ng aming karag-karag na kotse, tinanong ko ang aking anak, bakit wala kayong pasok ngayon. Ninoy Aquino, isang araw na inilaan para kilalanin ang kabayanihan ng isang Pilipino. Sino ang nagsabi sa iyo niyan, ang aking tanong. Si titser Irma iyong pasyente mong hindi mo sinisingil kapag nagpapatingin sa iyo dahil parang tulong mo na lang sa maliit na sahod ng mga guro. Ay oo ng pala, si titser Irma na laging nagtuturo sa kanyang mga pupil ang mga magagandang panuntunan sa buhay na dapat sundan ng isang Pilipino.
Nasa Mall na kami malapit sa EDSA. Habang kumakain si Magdiwang ng kanyang hamburger, tinanong ko siya. Alam mo ba na makasaysayan ng EDSA? Oo, sabi niya kasama ka sa mga nagpeople power noon dahil nasa Santolan ang grupo ng nililigawan mong chics. Tawanan lang kami. Pero may napansin ako kay Magdiwang, parang hindi siya excited sa paggunita ng kabayanihan ni Ninoy.
Ano sa palagay mo kung hindi namatay si Ninoy, ang tanong ko uli sa aking binatilyo. Ay di wala tayong Ninoy Aquino International Airport, ang tawag dito hanggang ngayon ay Manila International Airport pa lang… Alam ko mahilig sa history at social studies si Magdiwang, gusto daw niyang maging Kadete ng PMA. Kaya aking tinimbang naman kung ano ang kanyang pananaw tungkol kay Ninoy. Ikaw ba ay naniniwala sa ipinaglalaban noon ni Ninoy? Alin dad ang sagut niya, ang pagka-diktadora ni Marcos noong araw na siyang nilabanan ni Ninoy? Ganon pa rin siguro ang kanyang gagawin kagaya ng pagtuligsa ngayon nina tita Cory at senador Noynoy. Dahil mas masahol pa daw ang ngayon kay sa nagdaang rehimeng Marcos. Mabuti pa nga kay Marcos hindi gaanong binubusabos ang mga Pilipino sa ibang bansa noong panahon niya, kontrolado ang presyo ng mga bilihen at gasolina. E ngayon up up up and away…
Magkaiba nga kami ng panahon ni Magdiwang, magkaiba ng mga naging karanasan. Pero pareho din kaming nagiisip, dapat bang isinakripisyo ni Ninoy ang kanyang buhay para lumitaw lang ngayon ang mga dambuhalang mangungurakot ng bayan at pati na rin ang paglutang ng isang Jun Lozada para kumpirmahin na there is such a thing as ZTE deal, tongpats, executive priviledge, greedy rich plus plus, etc.
Nang manumbalik ang aking diwa, wala na si Magdiwan sa aking harapan. Nasa tabi na siya ng isang napakagandang daginding at masaya silang nagkukumustahan. Napailing na lang ako, like father like son?



When we speak of great souls or great leaders, surely everyone will raise eye brow as real leaders are becoming gradually rare. But, one name shines like eternal glittering star in the sky in the Pearl of the Orient as the rooster crow to give the signal of dawn, and that is late Ninoy the spark plug of EDSA.
The slay of the late Ninoy is considered as the turning point in the hard-fought battle of Filipino leaders like him to regain our country’s democracy from the shackles of two decade-long of martial rule imposed by the late Ilocano Apo Lakay. But ,his sacrifice to restore our country’s democratic institutions seemed to have been only the dream of Filipinos are worth dying for. Our country still suffers from grave social disparities and the increasingly opportunistic behavior of its political-economic elite.
Hanggang sa ngayon na nakakulong na at unti-unti nang nangamatay ang mga naakusahan at naparusahan sa pagpaslang kay Ninoy. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung kaninong daliri ang nagturo upang patayin si Ninoy. Kahit ang pamilya ni Ninoy ay handang magpatawad basta ituro lang ang mastermind as pagpatay kay Ninoy. At hanggang ngayon ay ni walang naglalakas loob upang ituro kung kaninong daliri ang siyang nagturo para barilin sa ulo si Ninoy sa tarmac.
Hindi pa rin malinaw kung kaninong daliri ang kumalabit ng .357 Magnum na siyang kumitil sa buhay ni Ninoy. Si Galman ang itinuturong kumalabit sa gatilyo ngunit hanggang sa ngayon fall guy pa rin ang turing sa kanya, maging ang pamilya Aquino?
Sino nga ba ang pistolero? Kaninong makating daliri ang kumalabit ng baril upang patahimikin na si Ninoy at nang maisakatuparan na ang salitang binitawan, the Filipinos are worth dying for?
At huwag naman sana malisioso ang iba. Hindi po si Lolo Greggy ang may gawa niyan. Ni lamok ay hindi niya maaring sampalin kung ito ay nakadapo sa kanyang ilong. Hindi po makasalanan ang kanyang mga daliri. Hindi po ito kumakalabit ng gatilyo ng baril at pumatay ng walang kalaban-laban. Oo ang nga naghahatid sa glorya ang kanyang dakilang daliri ngunit iyan ay upang paligayahin lamang ang kanyang mga minamahal.
No way, not his goldfinger may be so sinful to bring Ninoy to Heaven. Ang sino mang ihinahatid ng kanyang sampong mga daliri sa Langit ay bumabalik pagkatapos malasap ang walang kasing sarap na luto ng langit.
Please don’t look at his fingers now. Not even his dirty finger which you may think it stinks. No, by all means let us spare Lolo Greg from suspicion. He did not pull the trigger. Ang markadong daliring iyan ay inosente sa pagkamatay ni Ninoy.
Let us give Lolo Greg a smart salute for keeping his goldenfinger free from crime, we can not smell anything unusual but the aroma of his innocense. Let us say hurray to that wonderful finger of his… Greg’s goldenfinger is for life, and life has to be made happy and heavenly on earth!
Wala nang inisip pa si Ninoy kundi ang kapakanan ng kanyang bansa. Oo nagtagumpay siya na igupo ang itinututring niyang diktadorang rehimen pagkatapos siyang paslangin. Naigupo nga ang diktadorang sinasabi nila ngunit ano ang naging kapalit, may matindi pang kahirapana at pagkasira ng kapaligiran. Napalitan ang rehimeng Marcos ngunit hindi ring nagbago ang takbo ng buhay, nandiyan pa rin ang kasakiman sa paghawak ng poder ng gobierno, nandiyan pa rin ang kamag-anak system na siyang tinutuligsa nila laban kay Marcos, nandiyan pa rin ang walang kamatayang korapsiyon sa gobiyerno, at hindi na nagbago pa ang kapalaran ng mga mahihirap.
Sabi ng mga naunang comments kung buhay si Ninoy ngayon matutuwa ba siya sa mga nangyayaring anomalya, mga walang puknat ng bangayan sa pulitika, ang pamahalaan na ni kailan man ay hindi tunay na nagmalasakit sa kapakanan ng mga mahihirap, sa mga magsasakang walang lupain, at sa mga taong walan nang nakagisnan pang tahanan kung hindi ang munting barongbarong sa kaeskuwateran. Nandiyan pa rin ang kidnapping, ang mga pulis at militar ay mahilig pa ring mangutong, marami sa mga hukom ang nababayaran daw (ewan ko lang), maliit pa rin ang kinikitan ng mga manggagawa…Para sa mga ganitong uri ba ng mga tao ang pinaglaanan ni Ninoy ng kanyang buhay?
Marahil ay nalulungkot sa Ninoy sa kabilang buhay sa kanyang mga nasasaksihang ngayon ng karumal-dumal na pagpatay ng mga rebeldeng MILF sa mga kawawang sibilyan sa Mindanao. Palpak ang usapang pangkapayapaan. Hahaba pa ang kaguluhan marahil sa Mindanao. Alam ko maaring nalulungkot ngayon si Ninoy sa kahabag-habag na kalagayan ng ating bansa. Sa parteng ito marahil ay masasabi ko rin, Ninoy hindi ka nagiisa ako man din ay nalulungkot sa abang kalagayan ng ating bansa.
hi doc parang gusto ko na rin sa inyo magpagamot.. may busilak kyong puso… pwede b ako maging pasyente nyo.. hehehe..
naku doc dapat siguro magpachekup na yung milf sa inyo.. sa karimarimarim na ginagawa nila sa ating bansa ng mapukaw ang isipan nila at tumulong na lng sa ating kapwa..
repah,
Salamat naman kapatid at nakadalaw ka sa aking munting klinika. Kahit sino puwedi ko silang tignan,at gamutin sa abot ng aking makakaya. Pero the way I look at you mas malakas ka pa sa kalabaw kapatid, ha ha ha. Biro lang.
Ipagdasal na lang natin ang mga kapatid nating MILF na sana ay maliwanagan ang kanilang mga isipan nang hindi na sila magisip pa ng masama laban sa kanilang kapwa. Welcome ka dito repah at sana maging mabunga ang ating mga talakayan sa darating pa.
Doc.,
Kung buhay ngayon si Ninoy tiyak na malulungkot siya sa sinapit ng ating bansa.
May binata ka na pala at listo sa mga chics hahahahah. Saan kaya siya nagmana kay biyenan o sa inyong lahi?
Suportahan po natin ang panawagan na pigilin ang pagkalap ng lagda para sa recall election laban kay Governor Panlilio. Pasyalan lang ninyo ang site ni Colegiala girl nang makita ninyo kung saan po kayo lalagda ng petisyon upang suportahan ang mabuting Gobernador ng Pampanga.
Nung panahon ng mga Marcoses sadyang napakabata ko pa sa larangan ng politika at ang mga katagang “Kabataan ang s’yang Pag asa ng Bayan” ang namutawi sa aking isipan. Pero lumipas ang maraming taon nawala na ang Kabataan na mag aahon sa hirap ng ating bansa, sila na ngayon ang Hari at naghahari sa ating pinagyamang bansa ng ating ninuno, kaya ngayon heto na ang namumutawi sa aking isipan “Ang Bayan Ko” mahirap pa sa daga. mabuti pa ang dagat maraming kayamanan dahil sa mga taong walang habag sa kapwa kundi ang kumita ng limpak-limpak na salapi kahit marami ang madamay tulad sa paglubog ng M/V Princess of the Star maraming nagbuwis ng buhay dahil sa kapabayaan ng mga taong nasa gobyerno at ang masakit pa nagtuturuan kung sino sa kanila ang maliit ang parte na natanggap kaya umiiwas sa aberya. Tulad din ng ZTE na higit na mas malaki ang partihan kaya nanahimik na ito dahil sang ayon na sila sa natanggap nilang parte.
Sa lahat ng makakabasa ng ito mga kabataang tumanda na sa pwesto na dapat s’yang pag-asa ng Bayan at mga batang pumuwesto…”Panawagan ko, Pakinggan mo!” marami sa ameeen ang nahihirapan Hari ng gobyerno nawa ay tulungan mo po kami. Amen.
JUN-JUN salamat sa pagbisita at ang maganda mong comment.
Tutoo ang sinabi mo na na mga dating kabataan na lumalaban sa korapsion al sila naman ang nangungurakot ngayon. Nakakalungkot ng pangyayari. Tama si Jun-Jun na dapat ang kapakanan muna ng mga mamayan ang uunahin ng ating mga namumuno, hindi ang kanilang mga interest at bulsa. Amen ako sa sinabi mo JUN-JUN at mabuhay ka.