If you have no money, blog. It is good for your health, your body and mind. It makes you happy, it drives away anxiety. It attracts good vibes, and it will make your life joyful and energetic.
Ang inyong lingkud, doc.bobonyo, ay naengganyo sa pagba-blog dahil mga isyu na bumabagabag sa puso at isipan ng bawat mamayang Pilipino. Sa pagba-blog ko natutunan himayin ang mga suliranin ng bayan at kung paano tayon lahat ay apektado ng mga isyu ng politika, ekonomya, social, tecnolohiya, at kalusogan,etc. Unang nakipagkapehan kay Ellen at naisipang kumain naman ng Tsamporado ni Mang Cocoy. Kalaunan, hinanap-hanap na ang kapeng barako at tsamporadong may gata ng niyog at may halong tsokolate mula sa Kakaw.
Habang nakikipagkapehan sa inyo napasarap yata ako ng mga talakayan at kuwentohang bayan kaya lalong napadalas ang pasyal ko sa Cocoy’s Delight. Dito nagsulpotan ang mga bagong katropa na sina Artsee, Joseg, Greggy, Kumander pipi, Tarugong kulot, Kuya magno, Kutsara na kaparis ko ang kapalaran sa asawa at biyenan, si Mang Cocoy na naging inspirasyon ko sa pagtayo ng klinikang ito sa cyberspace, FPJ at ang kanyang kumpareng Badong, sina Kapitan Kidlat at mga tutulog-tulog niyang tanod, ang mga katropang agriculturists ni Eggplant, at higit sa lahat ang mga naggagandahang dilag na sina Colegiala, Yhen, Rose, at ang beloved nanay Chi ko. Napamahal na kayo sa aking kaya naman ay inilapit ko na ang barong-barong kung klinika dito para lagi ko kayong makapiling.
Kapag may kinabag na tiyan diyan sa sobrang kain ng Tsamporado at inum ng kape, you know where to come. Klinika Bobonyo at your service. Paguusapan natin dito ang mga symptoms ng sakit ng bayan, pamahalaan, lipunan, bulsa, at marami pang iba. Dito maari din tayong magbabad sa sex education at pagpaplano ng pamilya. Dahil may mga pastor at padi diyan, puwedi rin tayong mag-Bible study. Walang relihiyon na sinasabi nating tama dito, paliwanagan lang sa mga bagay-bagay na spiritual. Kung kayo ay nalulungkot diyan sa inyong kinarururonang bansa, puwedi rin tayong magkaraoke dito o magkantahan ng mga kundiman sa pangunguna ni kuya Joe. Puwedi rin tayo magrakrakan at maghiphop dito sa pangunguna ni kasamang Kutsara at ang ka-love team na si Colegiala. In other words puwedi kayong mag-weekend dito kasama ang mga misis at mister, iwan lang ang mga biyenan, ha-ha-ha.
To all the wonderful bloggers of the world, Klinika Bobonyo is now open at your service!



